^

Metro

Magkapatid sugatan sa hit and run

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang magkapatid ma­tapos na mahagip  at takasan ng humaharurot na kotse  habang nagdya-jogging sa Mandaluyong Bridge kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, dakong  alas-6:00 ng u­ma­ga nang maganap ang insidente sa tulay ng Mandaluyong na boudary ng Makati, habang nagdi-jogging ang magkapatid na sina Vincent Simon at Catherine May Tan.

Ayon kay SPO1 Ri­chard Bumacas, nais sanang mag-overtake ng rumaragasang kulay gold na Honda Civic sa isang tricycle.

Gayunman, hindi kinaya ng kotse na malampasan ang tricycle kaya’t nahagip ang likurang bahagi ng magkapatid.

Nag-collapse  si Vincent Simon habang nahulog naman sa tulay si Catherine May dahil sa insidente.

Isinugod sila ng mga saksi sa Mandalu­yong Medical Center kung saan gi­na­gamot  ang sugat ni  Vincent Simon sa kamay at paa, habang nagtamo naman ng sugat sa ulo at mga galos si  Catherine May.

Nakuha naman ng  saksing si Owen Pueda ang plate number ng kotse (UUE-233) at pinaghahanap na ito ngayon ng mga awtoridad.

 

vuukle comment

CATHERINE MAY

CATHERINE MAY TAN

HONDA CIVIC

MANDALUYONG BRIDGE

MEDICAL CENTER

OWEN PUEDA

SHY

VINCENT SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with