4 ex-justices ‘amici curiae’ sa voting threshold
MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsiyo ng Senate Impeachment Court ang apat na legal luminaries na magsisilbing amici curiae o “friends of the court” upang magbigay ng opinyon sa usapin ng voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ang mga pinangalanang Amici Curiae ay sina retired Chief Justice Artemio Panganiban, retired Chief Justice Reynato Puno, retired Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna, retired Chief Justice Hilario G. Davide Jr.
Ang tatlo ay pisikal na haharap sa korte sa Setyembre 16, habang si Davide ay magbibigay ng opinyon sa pamamagitan ng nakasulat na memorandum.
Ang mga amici curiae ay tutulong sa pagresolba ng apela sa ilalim ng Rule VI at Rule XXII na inihain ni Senator-Judge Erwin Tulfo.
Layunin nitong linawin kung dapat bang manatili ang two-thirds o 16 na boto bilang pamantayan sa conviction, kahit may apat na senador na hindi nakakadalo sa paglilitis.
Kabilang sa mga absent sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada (nakakulong sa plunder), Sen. Ronald “Bato” dela Rosa (nagtatago), at Sen. Loren Legarda (medical leave).
Itinakda sa Setyembre 16 ang pagdinig sa mga amici curiae para hingan ng opinyon.
Ang kanilang pananaw ay magiging mahalaga bago ang nakatakdang oral arguments at botohan sa Setyembre 23.
- Latest





















