PANOORIN: Korte Suprema, pinawalang-sala si Imelda Marcos
MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng Supreme Court si dating fiirst lady Imelda Marcos sa pitong counts ng graft at binaligtad ang 2018 conviction sa Sandiganbayan.
Sa 50-pahinang ruling ng SC First Division, sinabi ng korte na hindi napatunayan ng prosecution beyond reasonable doubt ang guilt ni Marcos kaugnay ng umano’y financial interests niya sa mga private foundation sa Switzerland.
Ibinasura bilang inadmissible evidence ang mga Swiss documents na pangunahing basehan ng kaso dahil hindi umano ito wastong na-authenticate.
Sinabi rin ng SC na hearsay ang laman ng mga dokumento at hindi competent ang mga witness na nagpakilala sa mga ito para patunayan ang kanilang veracity.
Dagdag pa ng korte, hindi rin napatunayan ng prosecution na mga business ang mga foundation na saklaw ng anti-graft law.
- Latest
























