3 timbog ng NBI sa investment scam!

Bumiktima ng 50 estudyante, residente
MANILA, Philippines — Nasa 50 galit na investors na kinabibilangan ng mga estudyante ang naghain ng reklamo sa National Bureau of Inmvestigation (NBI) laban sa isang kumpanya na isang guro ang manager, na nakapanloko umano sa kanila sa investment scam, sa lalawigan ng Antique.
Sa ulat ng NBI-Antique District Office (NBI-ANDO), isinailalim na sa inquest proceedings nitong Setyembre 1, 2025 sa Antique Provincial Prosecutor’s Office ang mga suspek na sina alyas “Jose Romel”, “Jose Dioric”, at “Annaliza”, pawang mga opisyal ng investment company na Growth Synergy Development (GSD) sa reklamong Article 315 ng Revised Penal Code, kaugnay sa Presidential Decree 1869 (Syndicated Estafa) at Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), at RA 8799 (The Securities Regulation Code).
Inaresto ang tatlo sa bisa ng warrantless arrest matapos ireklamo ng mga estudyante, residente ng barangay at ilan pang mamamayan na nahikayat na sumali sa investment scheme.
Hindi umano natugunan ng GSD ang mga pangakong “double your money”, “commissions”, at “salary”, sa bawat miyembro na mare-recruit nila, na tulad nila ay maglalagak ng investment sa kumpanya.
Pinaniwalaan umano ng complainant ang legitimate-looking office na may naka-display pang business permits, DTI registration at BIR documents at ang manager na si Jose Romel ay titser sa St. Anthony College na tumatayong manager.
- Latest

















