Rider binoga ng kasabayang motor, dedbol
SARIAYA,Quezon, Philippines — Patay agad ang isang rider matapos na pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang minamaneho ang kanyang motorsiklo sa barangay road ng Barangay Janagdong 2 sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Ian, 38, binata at residente sa nasabing barangay.
Ayon kay PMaj. Laudemer Aulida, bandang alas-9:00 ng gabi ay pauwi na sa kanyang bahay ang biktima nang sabayan ng isa pang motorsiklo saka paulanan ng mga bala.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa matuloy na direksiyon.
- Latest















