3 kelot na bumibili sa tindahan, niratrat
CAVITE, Philippines — Tatlong lalaki na bumibili lang sa isang tindahan ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ng isang armadong lumapit sa kanila sa General Trias City, dito kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na pawang inoobserbahan sa pagamutan sa mga alyas na “Jayson” 37-anyos, “Gerald” 34-anyos at “John Dave” 34-anyos, pawang taga Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.
Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na kinilala sa alyas na “Boboy” na ngayo’y pinaghahanap nang pulisya.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa Tropical Village Pabahay 2000, Barangay San Francisco. Habang bumibili ang mga biktima sa isang tindahan nang dumating ang suspek na armado ng maiksing baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo saka tumakas bitbit ang gamit na armas.
Agad naitakbo sa Gen. Trias Doctors Hospital at Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang mga biktima.
- Latest




















