Babae pinasok, ginahasa saka pinatay!
Iginapos, binusalan, pinagpapalo
MANILA, Philippines — Walang saplot sa itaas na bahagi ng katawan at nakagapos ang mga kamay nang matagpuan ang isang 39-anyos na babae na hinihinalang ni-rape slay sa tahanan nito sa Brgy. Lumad Dingras, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon.
Ang biktima na kinilalang si Jaqueline Cabudol ay hiwalay sa kaniyang mister at may dalawang anak ay nag-iisa lamang sa tahanan nito nang pasukin at paslangin ng hindi pa nakilalang salarin.
Sa ulat ng Ilocos Norte Police, noong Sabado dakong alas-6:30 ng gabi ay tinatawagan ng kaniyang mga kamag-anak ang biktima pero hindi ito sumasagot.
Pinaniniwalaan namang isa o hanggang dalawang katao ang nasa likod ng krimen.
Kinabukasan ay napilitan na itong puntahan ng kaniyang mga kapamilya at kaanak ay dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa sala ng tahanan nito na nakagapos ang kamay may plaster sa bibig at walang saplot sa itaas na bahagi ng kaniyang katawan.
Ang biktima ay nagtamo rin ng mga pasa at sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan mula sa pagpukpok ng matigas na bagay.
Inaalam na rin kung ginahasa ang ginang.
Kabilang naman sa sinisilip na anggulo ng mga awtoridad sa motibo ng krimen ay ang pagnanakaw dahil nawawala ang mga alahas, pera at iba pang mahahalang pag-aari ng biktima.
- Latest





















