Election gun ban ipinatupad na sa BARMM

MANILA, Philippines — Ipinatupad na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaugnay ng nakatakdang parliamentary elections nito.
Magtatagal ang gun ban simula Agosto 14 hanggang Oktubre 28, 2025 habang ang campaign period ay mula Agosto 28 hanggang Oktubre 11.
Nakatakda naman sa Oktubre 13, 2025 ang BARMM parliamentary elections.
Sinabi rin ng Comelec na bukod sa gun ban, ipinagbabawal din ang pagkakaroon ng bodyguard nang walang pahintulot ng poll body, pagbabago o pagbuo ng bagong presinto, at paglipat ng mga kawani ng gobyerno nang walang pahintulot.
Gayundin ang pag-organisa ng reaction o strike forces, pagsuspinde ng halal na opisyal nang walang pahintulot, at ilegal na pagpapalaya ng preso.
Posibleng makulong ang mga lalabag ng isa hanggang anim na taon, mawalan ng karapatang bumoto, at madiskuwalipika sa paghawak ng posisyon sa gobyerno, dagdag pa ng Comelec.
- Latest



















