^

Probinsiya

Nagtalo sa kita sa sibuyas, magsasaka kinatay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Nagtalo sa kita sa sibuyas, magsasaka kinatay
Ayon sa Gabaldon Police, ang nasawing biktima ay 61-anyos habang ang suspek ay isang 59-anyos na kapwa magsasaka, pawang residente ng Barangay Bagong Sikat.
STAR/File

GABALDON, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang senior citizen na magsasaka ng sibuyas makaraang itakin sa ulo at kaliwang binti ng kanyang kasamahang magsasaka dahil lamang umano sa pagtatanong nito na bakit umano maliit ang naporsiyento nito sa kinita sa bagong aning sibuyas sa may Purok Gumamela, Barangay Bagong Sikat ng bayang ito, nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa Gabaldon Police, ang nasawing biktima ay 61-anyos habang ang suspek ay isang 59-anyos na kapwa magsasaka, pawang residente ng Barangay Bagong Sikat.

Nabatid na pasado alas-5 ng hapon ay magkausap umano ang dalawa nang bigla umanong usisain ng biktima sa suspek na bakit daw ganoon ang kanilang naporsiyento na tila mas malaki umano ang naparte ng suspek na ikinairita umano nito.

Dahil dito ay walang anu-ano, may nakuhang itak ang suspek na siya nitong inihataw sa ulo at kaliwang binti ng biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Agad na isinugod ng MDRRMO personnel sa Gabaldon Medicare Community Hospital ang biktima ngunit hindi na umano ito umabot at idineklarang dead-on-arival.

Ilang oras matapos ang insidente, sumuko sa pulisya ang suspek bitbit ang itak na ginamit sa krimen.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with