^

Probinsiya

Traffic enforcer ng Bacoor, itinumba ng tandem

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Traffic enforcer ng Bacoor, itinumba ng tandem
Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang pangyayari, kasalukuyang naka-duty ang biktima sa kahabaan ng Brgy. Talaba IV, intersection ng Zapote Kalinisan Road at nag-a-assist ng traffic nang duma­ting ang isang Honda Air Blade na motorsiklo sakay ang dalawang suspek at sunud-sunod siyang pinagbabaril.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

Habang nagmamando ng trapiko

CAVITE, Philippines —- Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang isang traffic enforcer habang abala sa pag­mamando ng trapiko sa kalsada ng Brgy. Talaba 4 sa Bacoor City, ka­makalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Edgar Domingo, nasa hustong gulang, traffic enforcer ng lungsod ng Bacoor.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang pangyayari, kasalukuyang naka-duty ang biktima sa kahabaan ng Brgy. Talaba IV, intersection ng Zapote Kalinisan Road at nag-a-assist ng traffic nang duma­ting ang isang Honda Air Blade na motorsiklo sakay ang dalawang suspek at sunud-sunod siyang pinagbabaril.

Kapwa naka-helmet umano ang dalawang suspek at itim na jacket.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril na maaaring may kinalaman umano sa trabaho ng biktima.

vuukle comment

EDGAR DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with