^

Probinsiya

Miyembro ng ‘Basag-kotse’ gang patay sa engkuwentro

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng �Basag-kotse� gang patay sa engkuwentro
Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Mulangaw”, 31-anyos ng Brgy. Pulo, San Isidro ng lalawigan.Nabatid sa pulisya na ang suspek umano ay sangkot sa serye ng mga insidente ng pambabasag ng kotse na nag-ooperate sa lalawigan ng Bulacan, sa lungsod na ito at ilang karatig na lugar.
STAR / File

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na miyembro umano ng basag-kotse gang makaraang takbuhan umano ang mga miyembro ng pulisya na nasa Oplan-Sita operation noong Miyerkules ng hapon sa Barangay Sto. Cristo Norte.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Mulangaw”, 31-anyos ng Brgy. Pulo, San Isidro ng lalawigan.Nabatid sa pulisya na ang suspek umano ay sangkot sa serye ng mga insidente ng pambabasag ng kotse na nag-ooperate sa lalawigan ng Bulacan, sa lungsod na ito at ilang karatig na lugar.

 Sa ulat na nakara­ting kay P/Col. Richard Caballero, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nabatid na alas-3:15 ng hapon nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga elemento ng Gapan City Police sa nasabing lugar nang mapansin ang isang lalaki na may nakasukbit na baril sa baywang nito, nakasuot ng itim na long sleeves, camouflage shorts, helmet at sakay ng kulay abuhin at itim na Yamaha Aerox na motorsiklo.

Nang sitahin ay tumakas ito kaya’t ito ay hinabol hanggang sa maabutan sa Purok Villareal at sa halip umano na sumuko ay pinaputukan umano nito ang mga operatiba na gumanti ng putok na ikinamatay ng suspek.

Narekober sa lugar ang isang caliber 9mm Pistol Taurus G3 na may 8 bala; cal. 9mm Glock 17 pistol na may 19 na bala; 10 fired cartridge cases ng cal.9mm at may nakuha pa umanong apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu, ilang piraso ng ID cards, at ang nasabing motorsiklo na gamit ng suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with