^

Probinsiya

Higit P11 milyong kaloob ng DSWD sa earthquake victims

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng may mahigit P11 milyong halaga na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez,  nakipag-ugnayan ang ahensiya sa mga lokal na pamahalaan sa naturang lalawigan upang agad maipagkaloob sa mga pamilyang biktima ng lindol ang fa­mily food packs (FFPs) at cash aid sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

May 1,015 FFPs ang naiabot sa mga apektadong pamilya sa bayan ng Don Marcelino at Sarangani, Davao Occidental samantalang nagkaloob ang ahensiya ng 8,200 food boxes para sa provincial government ng Sarangani, sa bayan ng Glan, at General Santos City.

“Aside from food packs, the Department also extended cash aid to address the urgent needs of the affected families. This will help them purchase other items and things they need,” dagdag ni Lopez.

Sa ulat ng DSWD, may 2,317 beneficiaries mula sa General Santos City at bayan ng Glan at Malapatan sa Sarangani ang agad nakatangap ng cash assistance mula sa DSWD.

Nabatid na may kabuuang 3,587 pamilya o mahigit sa 15,700 indibiduwal ang apektado ng lindol sa 42 barangay sa Davao Occidental, Sarangani, at South Cotabato provinces.

May P2.8 bilyong standby funds at stockpile ng resources sa DSWD central Office at field offices ang patuloy umanong nakahanda para sa anumang pangangailangan ng mamamayan na sina­lanta ng kalamidad.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with