^

Probinsiya

Mag-live in na negosyante, inutas sa bus

Christian Ryan Sta. Ana, Ed Amoroso, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-live in na negosyante, inutas sa bus
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Gloria Mendoza Quillano, 60, tubong Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at leeg habang si Arman Bautista,55,tubong Koronadal City, South Cotabato ay dalawang tama ng bala sa ulo.
STAR File

Anak iimbestigahan…

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang  magka-live in matapos na malapitang barilin sa ulo ng mga pinaniniwalaang  hired killers sa loob ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng tanghali sa  Carranglan, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Gloria Mendoza Quillano, 60, tubong Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at leeg habang si Arman Bautista,55,tubong Koronadal City, South Cotabato ay dalawang tama ng bala sa ulo.

Batay sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen alas-12:49 ay sumakay ang mga biktima ng  Victory Liner Bus na may plakang  CAY 3363 patungong Maynila mula sa Tuguegarao City, Cagayan habang  sa Bayombong, Nueva Vizcaya naman sumakay ang  dalawang hindi pa nakikilang suspek.

Makikita sa dashcam ng  bus na nakasakay sa hulihan ang mga suspek na nakasuot ng camouflage na short na asul at  pagdating sa  Brgy. Minuli, Carranglan, Nueva Ecija ay tumayo ang mga ito at walang sabi-sabing binaril ang mga biktima at saka bumaba ng bus.

Ayon naman kay PMaj.Rey Ian Agliam hepe ng  Carranglan,Nueva Ecija Municipal Police Station,na posibleng personal ang motibo sa krimen dahil kapwa negosyante ang  mga biktima.

Si Quillano ay may negosyo  ng  palay at sakahan habang may bakery naman si Bautista.

Lumilitaw din  na planado ang pagpatay sa mga biktima  at ‘plan B’ na umano  ng  mga suspek ang krimen sa loob ng bus.

Patuloy pa ang masu­sing imbestigasyon ng pulisya sa krimen na ikinaalarma ng publiko dahil nalagay sa kuwestyon ang kaligtasan ng mga mananakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus.

Kumalat na sa social media ang video kung saan makikita ang marahas na pagpaslang sa dalawang pasahero.

Samantala, iimbestigahan ng  Philippine National Police ang  anak ni  Quillano, isa sa mga  binaril at pinatay ng  mga hindi pa nakikilalang suspek  sa  loob ng  bus.

Ayon kay PNP PIO chief Col Jean Fajardo, bago nangyari ang  insidente ay kinasuhan ni Quillano ng carjacking  ang kanyang  anak at naka-blotter sa pulisya.

Nakapagpiyansa ang anak sa kaso at itinanggi na may kinalaman siya sa pagpatay sa kanyang nanay.

vuukle comment

NUEVA ECIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with