^

Probinsiya

Ex-con nag-amok: 1 todas, 9 sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Ex-con nag-amok: 1 todas, 9 sugatan
Stock image of a hand.
Image by soumen82hazra from Pixabay

LAGAWE, Ifugao, Philippines — Isang batang lalaki ang nasawi habang sugatan ang 9 iba pa matapos silang pagtatagain ng isang ex-convict na nag-amok sa Barangay Amduntog, Asipulo, Ifugao, kamakalawa.

Hindi pinangalanan ang batang lalaaking nasawi na isang 5-anyos habang nasugatan ang dalawang paslit na isang 2-anyos at 6-anyos;Tomas Tayaban; Michael Tucal;Ezperanza Tadao;Jenariz Dinamling;Melanie Pihlo;Jocelyn Tagnaon; at Aldrick Hagada,Barangay Captain ng nasabing lugar.

Kinilala ng Asipulo-PNP ang suspek na binawian rin ng buhay matapos mabaril ng mga operatiba ng pulisya na si Davis Bullong, 44, residente ng Barangay Antipolo sa bayan ng Asipulo.

Ayon kay P/Capt. Francisco Buyuccan, hepe ng Asipulo PNP, unang tinaga ng suspek sina Tayaban at Tucal pagkatapos ay naglakad  patungo naman sa Sitio Halulug sa nasabing barangay at pinagtataga sina Tadao, Dinamling at Pihlo na noon ay naghuhugas naman ng ani na luya.

Sumunod naman na tinungo ng suspek ang Barangay Hall ng Amduntog at pinagtataga naman sina Chairman Hagada at Tagnaon na noon ay naka-duty kabilang ang mga bata.

Pinakahuling pinuntahan ng suspek ang Asi­pulo Central School kung saan ipinagpatuloy ang pananaga,subalit dito na siya naabutan ng mga rumespondeng operatiba ng pulisya.

Unang pinakiusapan ng mga otoridad ang suspek subalit sa halip ay tinangka pa umanong tagain ang isa pang biktima kung kaya’t napilitan silang paputukan ng baril. Napag-alaman na nakulong ng 10 taon ang suspek noong 2001 at uling nakulong noong 2013 dahil sa kasong frustrated murder.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with