^

Probinsiya

P.8 milyong shabu samsam sa 4 ‘tulak’ sa Lucena

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Aabot sa P.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Lucena City Police mula sa apat na tulak matapos ang magkasunod na anti-drug operation sa lungsod na ito kamakalawa ng madaling araw.

Ayon Kay PLt. Col. Ruben Ballers Jr., chief of police dito, unang isinagawa ng mga ope­ratiba ng CDEU na pinamumunuan ni Capt. Benito Nivera ang buy-bust ope­ration sa Purok Green Hills Phase 3, Brgy. Market View dakong alas 12:55 ng madaling araw.

Arestado sa operasyon ang kapwa kabilang sa High Value Individual (HVI) na sina Marvin Dudas, 32, ng Purok Bagong Buhay, Brgy. Cotta at Erick Oriola, 23, ng Purok Little Baguio 1 Red-V, Brgy. Ibabang Dupay; pawang sa Lucena City.

Nakuha sa pag-ii­ngat ng mga suspek ang 10.31 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P600,000 kabilang na ang 10 piraso ng P1,000 boodle money at isang P1,000 marked money na ginamit ng pulis na nagpanggap na buyer.

Nalambat naman sa follow-up operation dakong alas-4:02 ng umaga sa Purok Damayan 1, Landing Road, Brgy. Ibabang Iyam ang kapwa 25-anyos na sina John Oliver Mallari, residente ng nasabing lugar at Leonardo De La Rosa ng Purok Riverside, Brgy. Ibabang Dupay.

Aabot sa P210,000 ang halaga ng pinaghihinalaang droga ang nakuha sa pag-iingat ng ng dalawa bukod pa sa mga boodle at marked money.

Sa kabuuan ay aabot sa P820,324 ang halaga ng suspected shabu na nakumpiska sa apat na mga tulak na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

HVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with