^

Probinsiya

Businesswoman sa Abra, itinumba ng tandem

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Businesswoman sa Abra, itinumba ng tandem
Kinilala ang biktima na si Catherine Andallo Aguilar, 38-anyos, isang hog raiser, at residente ng Barangay Quilliat, Langiden.
STAR/File

BAGUIO CITY, Philippines — Patay ang isang negosyanteng babae matapos pagbabarilin sa ulo ng riding-in-tandem sa Angued, Abra nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Catherine Andallo Aguilar, 38-anyos, isang hog raiser, at residente ng Barangay Quilliat, Langiden.

Sa imbestigasyon ng Bangued Police, habang nakaupo si Aguilar sa kanyang motorsiklo na naka-park sa harap ng West Central School sa Barangay Zone 3, Bangued, nang biglang pagbabarilin sa ulo ng isa sa mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Nagawa pang maisugod si Aguilar ng mga rumes­pondeng pulis sa Abra Provincial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival bunsod ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Narekober ng mga crime scene investigators sa lugar ang dalawang fired cartridges ng caliber .45 at deformed slug.

Ayon kay Bangued Police Station chief Major Paul Claveria, ang hinihinalang gunman sa krimen na kinilalang si Joemar Britanico Bayle ay naaresto sa isang checkpoint na inilatag ng Tayum town policemen sa Barangay Patucannay, Tayum at nakumpiska sa kanya ang cal. 45 pistol na may magazine at kargada ng mga bala at iba pang personal na kagamitan.

Nakorner naman ng Bangued Police ang driver ng motorsiklo na si Dennis Viado Britanico, 21, residente ng Quilliat Langiden, Abra, sa Barangay Lingtan, Bangued.

Sinabi ni Claveria na motibo sa pamamaril ay hindi pa tukoy dahil sa kapwa ayaw magsalita ng mga suspek at pamilya ng pinatay na lady trader.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with