^

Probinsiya

3 ‘drug dealers’ timbog sa P13.9 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 �drug dealers� timbog sa P13.9 milyong shabu
Naaresto nang magkaabutan ng biniling droga at buy-bust money ang tatlong shabu dealers sa loob ng Room 3 ng Red High Heel Hotel sa Barangay Balogo,  Pigcawayan, may 14 oras na biyahe mula sa Zamboanga City kung saan sila nagmula.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY , Philippines — Nasamsam ng mga hindi unipormadong pulis ang P13.9 milyong halaga ng shabu sa tatlong hinihina­lang big-time drug dealers na dumayo pa, sa ikinasang buy-bust operation nitong Martes ng umaga sa Barangay Balogo sa Pigcawayan, Cotabato.

Sa ulat nitong tanghali ng Martes ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, hindi na pumalag ang 36-anyos na babaeng si Marhaya Aziz Abdullah at mga kasamang sina Kadapi Karim Jaca, 45-anyos, at Ridzmer Nasher Abdulkara, 38, nang arestuhin ng magkasanib na mga ope­ratiba ng PRO-12 at Police Drug Enforcement Agency Group-12 matapos silang bentahan ng 2.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.9 million.

Naaresto nang magkaabutan ng biniling droga at buy-bust money ang tatlong shabu dealers sa loob ng Room 3 ng Red High Heel Hotel sa Barangay Balogo,  Pigcawayan, may 14 oras na biyahe mula sa Zamboanga City kung saan sila nagmula.

Maliban sa 2.1 kilong shabu, nakumpiska rin ng mga operatiba ang isang 9 millimeter Glock 17 pistol ng isa sa mga suspek at ang kanilang puting Toyota Fortuner na kanilang ginamit sa pagdala ng illegal na droga mula pa sa Zamboanga City.

Ayon kay Placer, si Abdullah at Jaca ay mga residente ng Zamboanga City sa Region 9 habang si Abdulkara naman ay taga-Barangay Suba-Suba sa bayan ng Pandami sa Sulu, isa sa anim na probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with