^

Probinsiya

Mister pumalag sa ‘akyat-bahay’, pinagsasaksak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Dayong kawatan nasakote ng guwardya

CAVITE, Philippines — Isang bodegerong mister ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagsasaksakin ng isang hinihinalang kilabot na miyembro ng “akyat bahay gang” na dumayo pa para manloob sa Springtown Villas sa Brgy. Bucal, Tanza ng lalawigang ito, kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakila­lang si Danilo Dulay Varona Jr., 33-anyos, may asawa, warehouseman at residente ng B4 L13 P2 Northgate Springtown Villas, Brgy. Bucal, Tanza, Cavite.

Naging maagap naman ang security guard ng nasabing subdivision kaya nito naaresto ang papatakas na suspek na nakilalang si John Michael Robis Florencio, 29-anyos at residente ng CCA, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon ng pulisya,  alas-2 ng mada­ling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima habang natutulog.

Lumalabas na sa backdoor umano ng nasabing bahay dumaan ang suspek.

Nabatid na habang nasa loob ng bahay ang suspek ay nagising ang biktima at laking gulat nito nang makita ang suspek sa kanyang pamamahay.

Dito na umano tinutukan ng suspek ng dala nitong balisong ang biktima subalit lakas-loob na nakipambuno ang mister sa patalim dahilan upang magtamo siya ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kahit na sugatan, nakasigaw pa rin ang biktima at humingi ng tulong dahilan upang agad na maaresto ang suspek ng rumespondeng guwardya.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang biktiima na kasalukuyang inoob­serbahan ang kalagayan.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with