^

Probinsiya

Kelot pinabulagta sa labas ng bahay ng ina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng isang lalaki habang nagpapahangin sa labas ng bahay ng kanyang ina na binisita nito noong Sabado Sitio Luna, Barangay Lagtang, Talisay City,Cebu.

Kinilala ang napatay na si Junjun Pacada, 42-anyos, residente ng Sitio Sampaguita, Barangay Inayawan, Cebu City.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi nang dumating ang biktima sa bahay ng inang si Marina Aljiano, 62, sa nasabing lugar.

Pagkakain ay nagpahangin umano sa labas si Junjun habang ang ina nito ay nasa loob at naghuhugas ng kinainan.

Narinig umano ng ina na may lalaking kausap ang anak at sinabi umano ng lalaki na ang anak niya  ang nagpahuli sa isang “Armier” at kasunod nito ay umalingawngaw ang mga putok ng baril.

Nagtatakbo  palabas ng bahay si Aling Marina at ang kinakasama nito at nakita ang duguang nakahandusay ang anak.

Bago umano ang pamamaril ay sinabihan ng ina ang anak na huwag nang lumabas dahil maraming mga police assets sa lugar at maaari itong ipahuli.

Sinabi pa ni Aling Marina na kilala niya kung sino ang pumatay sa kanyang anak na nakita pa umano ito ng kanyang kapitbahay habang naglalakad palayo.

Sinabi rin ni Aling Marina na hindi niya alam kung sangkot sa ilegal na droga ang kanyang anak.

Sa ulat naman ng pulisya, posibleng personal ang motibo ng krimen dahil ngayon lamang umano napasyal sa ina si Junjun kaya posibleng matagal nang inaabangan ng salarin ang pagbabalik nito.

vuukle comment

KELOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with