^

Probinsiya

Miyembro ng drug group huli sa higit P1.4 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isa umanong miyembro ng drug group at nakum­piskahan ng mahigit sa P1-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-drug operation sa University Site, Barangay Ibabang Dupay kamakalawa ng madaling araw.

Base sa ulat ni PCol.Ledon Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director, nakilala ang nadakip na si Patricio Martin alyas “Nonoy”, 49, may live-in partner, kasapi umano ng “Leonora Drug Group” at residente ng Purok Happy Valley ng nasabing barangay.

Ayon kay P/Major Mendel Casao, hepe ng PDEU, isinagawa ng kanyang mga ope­ratiba ang buy-bust ope­ration laban sa suspek bandang alas-12:23 ng madaling araw makaraang magpositibo ang kanilang surveillance sa suspek kaugnay sa iligal nitong gawain.

Hindi na nakapalag ang suspek makaraang posasan matapos maiabot nito ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa poseur buyer na PDEU operative.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang P1,000 bill, 12 budol na 1,000, at 13 heat sealed transparent plastic sachet ng suspected shabu na sa kabuuan ay tumitimbang ng 73 gramo at nagkakahalaga ng P1,489,200.00.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong pag­labag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with