^

Probinsiya

4-anyos lalaki todas sa pananakit ng madrasta

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang ang pagmamaltrato at pananakit ng isang stepmother ang dahilan ng pagkamatay ng 4-anyos na batang lalaki sa Bamban, Tarlac.

Napag-alaman na bago pumanaw, nakunan pa ng video ang biktimang si Jericho Galang na isinusumbong ang ginagawang pananakit sa kanya ng kanyang madrasta na residente ng Brgy. Anupul, Bamban, Tarlac.

Batay sa sumbong ng bata sa kanyang tiyahin na si Gemma Galang, sinusuntok umano siya at pinapa­kain ng sili at tinutusok-tusok sa tiyan.

Nangyayari raw ang pagmamaltrato habang nasa Maynila ang ama ng bata para magtrabaho.

Nang masawi ang bata, mayroon uma­nong sugat sa ulo at katawan ang biktima.

“Yung maselang bahagi ng pamangkin ko, tinali. May sugat-sugat pa nga. Tapos yung sa ulo niya inuntog sa pa­der. Pina-check-up ko siya sa pedia, pinadala na siya sa surgeon dahil ganun na yung kalaga­yan niya,” ani Gemma.

Sa death certificate ng bata, lumitaw na nagkaroon ito ng septic shock at nagkaroon din ng multiple abrasion sa katawan.

Iniimbestigahan na ng otoridad ang insidente at hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng medico-legal sa mga labi ng bata para sa ga­gawing pagsasampa ng reklamo laban sa suspek.

vuukle comment

MADRASTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with