^

Probinsiya

Batang babae, patay sa family outing

Eva Visperas - Pilipino Star Ngayon

MABINI, Pangasinan, Philippines — Patay ang isang 7-anyos na batang babae matapos malunod sa ilog habang kasagsagan ng kanilang fa­mily outing, dito, ka­makalawa.

Kinilala ng Mabini Police ang nasawing bata na si Regina Sabaiton, Grade 1 pupil at residente ng Tumana, Marikina City.

Sa ulat ng pulisya, habang nagtatampisaw ang biktima kasama ang dalawa pang bata sa Balincaguing River sa Barangay De Guzman nang mapagawi sa malalim na bahagi at malunod.

Agad namang tumulong ang mga concerned citizen sa lugar at sinisid ang naturang biktima.

Matapos maiahon sa tubig, agad isinugod ang bata sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos City pero idineklarang dead-on-arrival ng isang sumuring doktor.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with