^

Probinsiya

‘Tulak’ mula Metro Manila, tiklo sa P.37 milyong shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nahuli sa isang drug buy-bust operation ang isang 43-anyos dayong lalaki mula Metro Manila makaraang makuhanan ng halos P370,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Purok 1, Barangay San Juan Accfa, dito, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col.  Carl Omar Fiel, hepe ng Cabanatuan City Police, ang suspek na si Rio Aberia, 43, binata, “jobless” ng Barangay Ilaya, Las Piñas City.

Ayon sa ulat, isang “tipster” ang nagsabi sa pulisya na darating sa Cabanatuan City ang nasabing suspek na may dalang illegal na droga kaya agad ikina-sa ng Intel operatives at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nabatid na alas-12:10 ng madaling-araw nang makabili ang police poseur buyer sa suspek ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P500 “marked money” at P1,000 bill na boodle money. Nang tanggapin ng suspek ang bayad,  agad siyang inaresto ng mga pulis.

Nakuha pa sa suspek ang 10 plastic sachet ng shabu na nakasingit sa itim na face mask sa loob ng kanyang sling bag, habang lima pang sachet ng shabu ang nakuha sa loob naman ng leather coin purse nito.

Sa kabuuan, 16 plastic sachet ng shabu na may timbang na 54.30 gramo at nagkakaha­la­ga ng P369,240 ang na­­sam-sam sa suspek.

vuukle comment

SDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with