^

Probinsiya

Mag-utol dedbol sa semplang ng motor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol dedbol sa semplang ng motor
Sa imbestigasyon ng pulisya bago nangyari ang aksidente,alas-4:30 ng madaling araw ay minamaneho ni John Michael ang motorsiklo, angkas ang kapatid na si Shane Ashley at binabagtas ang kahabaan ng D.Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4, patungo ng palengke.
STAR/ File

DASMARIÑIAS CITY, Cavite — Kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital ang magkapatid matapos na nawalan ng balanse at sumemplang ang motorsiklo na sinasakyan kahapon ng mada­ling araw sa  kahabaan ng D.Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4, ng lungsod na ito. Ang magkapatid na nasawi ay nakilalang sina John Michael Vincent Palmes Oyao, 24, driver ng motor at kapatid nitong babae na si Shane Ashley Palmes Oyao, 18, kapwa residente ng Blk. 146, Lot 6, Phase 4, Marycris Complex Pasong Camachille, General Trias City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya bago nangyari ang aksidente,alas-4:30 ng madaling araw ay minamaneho ni John Michael ang motorsiklo, angkas ang kapatid na si Shane Ashley at binabagtas ang kahabaan ng   D.Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4, patungo  ng  palengke.

Dahil sa may kabilisan umano ang pagpapatakbo ni John Michael ng motorsiklo ay aksidenteng  nilipad  ang suot nitong helmet dahilan upang mawalan ito ng   balanse  at  sumemplang.

Tumilapon ang magkapatid at bumagsak na una ang ulo sa steel barrier sa center island.

Nagawa pang madala sa pagamutan ang magkapatid,subalit kapwa dead on arrival.

vuukle comment

OYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with