^

Probinsiya

Ginagawang gusali gumuho, 4 obrero nasugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY, Cavite , Philippines — Apat obrero ang nasugatan nang gumuho  ang pa­der ng ginagawa nilang gusali kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pa­liparan 3,ng lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na kasalukuyan ngayong mga inoobserbahan sa Pagamutan ng Dasmariñas na sina Ricardo Juvida, 47;Ri­chard Serrano,34;Allan Vales, 24; at  Rolly Villa, 32, pawang  mga stay in construction workers ng Wemart Construction.

Sa nakalap na ulat mula kay PSSg Richard F Domingo, may hawak ng kaso,alas-2:50 ng hapon nang maganap ang insidente kung saan kasalukuyang nagtatrabaho  ang mga biktima kasama ang mga iba pang construction wor­kers nang biglang gumuho ang isang bahagi ng tinatayong gusali at nadaganan ang mga biktima.

Agad na nagtulong tulong ang mga obrero upang maialis sa pagkakadagan ng mga bato ang 4 na biktima at itinakbo sa pagamutan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na walang kaukulang permit sa city hall kaya’t nakatakdang sampahan ng kaso ang contractor ng nasabing ginagawang gusali.

vuukle comment

APAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with