^

Probinsiya

‘Pusher’ pa tumba sa drug ops

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang makipagpalitan ng putok sa awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Rosario, dito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Jhayron Bondal alias “Louie”, residente ng Brgy. Tejeros, Gen. Trias City, Cavite at kabilang sa drug watchlist ng pulisya.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Ellezer Tagalog ng Rosario Municipal Police Station, dakong alas-10:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust ng mga miyembro ng Rosario Police-Drug Enforcement Unit (DEU) sa Brgy. Silangan 2, Rosario.

Nauna dito, nakipag-transaksyon ang suspek sa poseur buyer na si Pat. John Vergel Meneses at sa aktong iniaabot ng una ang hinihinalang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500, ay dito na sumenyas si Me­neses sa mga ka-grupo saka nagpakilalang pulis sa una. Pero imbes na sumuko, bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng shootout na kanyang ikinabulagta.

vuukle comment

DRUG OPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with