^

Probinsiya

Dalaga pinatay sa sakal ng bf sa motel

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Dalaga pinatay sa sakal ng bf sa motel
Kinilala ang biktima na si Brenda Bruno, 44-an­yos at residente ng Ba­rangay Cabatling sa bayan ng Malasiqui.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Wala nang buhay nang matagpuan ang isang dalagang meat vendor matapos na sa­kalin ng hinihinalang nobyo nito na kasama niyang pumasok sa isang motel sa Malasiqui, Pangasinan ka­makalawa.

Kinilala ang biktima na si Brenda Bruno, 44-an­yos at residente ng Ba­rangay Cabatling sa bayan ng Malasiqui.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng babae sa loob ng isang silid ng motel sa Brgy. Cabilocaan ng nasabing bayan.

Bandang alas-9:30 ng umaga ng Sabado nang pumasok sa motel ang biktima kasama ang isang lalaki na dri­ver ng tricycle.

Makalipas ang 15 mi­nuto, umalis ang lalaki na sakay ng dalang tricycle at ilang oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin bumabalik.

Dito na naghinala ang pamunuan ng motel at nagpasya silang pasukin ang kuwarto ng biktima. Laking gulat nila nang makitang nakahandusay na ang biktima sa sahig at walang ulirat.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklarang patay ng sumuring doktor dahil sa matindi umanong pagkakasakal.

vuukle comment

SAKAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with