^

Probinsiya

Drug suspect timbog sa P1.36 milyong halaga ng shabu

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Aabot sa P1.36-M halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Bulualto ng nasabing bayan, kamakalawa.

Kinilala ang naarestong suspek na si Gilbert Catiis na nasa listahan ng PDEA watchlist.

Sa ulat,dakong alas 4:15 ng hapon nang maglatag ng buy-bust operation ang San Miguel police sa nasabing barangay at nang makabili ng isang plastic sachet ng shabu ang poseur/buyer sa suspek ay nakahalata ito na isang pulis ang kanyang ka transaksyon, mabilis itong tumakbo at nagbunot ng baril at pinaputukan ang pulis.

Gumanti ng putok ang pulis at doon tinamaan niya ang suspek sa balikat kung kaya naaresto.

Nang maaresto ang suspek, ay nasamsamang 200 gramo ng shabu na nasa loob ng bag na may street value na P1,360.000.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with