^

Probinsiya

Truck driver na dumagan sa 2 jeep, kilala na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

7 na ang nasawi

MANILA, Philippines – Natukoy na ng mga awtoridad ang tumakas na driver ng truck na dumagan sa dalawang jeepney sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan, Antipolo City noong Sabado habang umakyat sa pito ang bilang ng mga nasawi sa trahedya, iniulat ng pulisya kahapon.

Iniutos na ni P/Lt. Col. Alvin Consolascion ang malawakang pagtugis sa truck driver na si Ariel Patricio na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at serious physical injuries.

 Ang pinakahuling biktima ay kinilala namang si Ivan Pogoso, 15-anyos, estud­yante na namatay habang ginagamot sa ospital sa Marikina.

Unang namatay sa aksidente sina Gionvanie Bongaitan, Limuel Espinorio, Ramona Macaladcad, Denise Kyla Lingad Yu, John Paul Mallari, at James Vincent dela Cruz habang nakaratay pa sa ospital sina Alex Dagupan at Rey Mandy Pelayo, kapwa driver ng mga pampasaherong jeepney at isang Jennilyn Espinosa.

 

vuukle comment

TRUCK DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with