^

Probinsiya

Motor salpok sa trak: Rider dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motor salpok sa trak: Rider dedo
Dead-on-the-spot dahil sa matinding sugat sa ulo ang biktimang si Jose Dolot Delgado, binata, ng Brgy. San Vicente, Bacon District, Sorsogon City.

LEGASPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nabasag ang ulo ng isang 29-anyos na rider matapos na sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na truck sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Naagtan, Gubat, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa matinding sugat sa ulo ang biktimang si Jose Dolot Delgado, binata, ng Brgy. San Vicente, Bacon District, Sorsogon City.

Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang driver ng nakabangaang trak na si Edwin Baitan, 32-anyos, ng Brgy. Casay, Casiguran.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, mabilis uma­nong binabagtas ng motorsiklo ng biktima ang highway pauwi sa kanilang bahay nang mawala ito sa direksyon at inokupa ang linya ng kasalubong na Isuzu Drop Side truck (XKA-164) na minamaneho ni Baitan. Hindi na nakaiwas ang trak at malakas na bumangga sa kaliwang bahagi nito ang motorsiklo.

Sa lakas ng banggaan, tumalsik ang biktima at tumama ang ulo nito sa bakal na harang sa tabi ng kanang bahagi ng kalsada. Agad rumesponde ang rescue team mula sa bayan ng Gubat pero nang pulsuhan ay patay na ang rider.

vuukle comment

MOTORCYCLE ACCIDENT

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with