^

Probinsiya

Parak na ‘tulak’ tiklo sa buy-bust

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parak na �tulak� tiklo sa buy-bust
Kinilala ang naaresto na si Police Corporal Rogelio Atillo, miyembro ng Labangon Police Precinct (DEU).

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang pulis na miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) matapos na umano’y mag-moonlighting na drug pusher sa isina­gawang buy-bust ope­ration sa  Brgy. Basak Pardo, Cebu City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si Police Corporal Rogelio Atillo, miyembro ng Labangon Police Precinct (DEU).

Sa ulat, bandang alas-6 ng gabi nang masakote si Atillo sa buy-bust operation sa Sitio Caimito, Brgy. Basak Pardo sa lungsod na ito.

Bagama’t aktibo sa panghuhuli ng mga drug pusher si Atillo pero sa tuwing off duty umano ito ay nagtutulak ng droga kaya isinailalim sa surveillance operation laban dito.

Si Atillo ay inaresto matapos na makumpis­kahan ng 25 gramo ng shabu na nagkakaha­laga ng P170,000 at P27,000 cash na pinaniniwalaang pinagbenta­han nito sa droga. Agad dinisarmahan ng mga kabaro na nagsagawa ng buy-bust operation si Atillo sa dalang Glock 17 service pistol.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo ang nasakoteng pasaway na parak.

vuukle comment

DRUG ENFORCEMENT UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with