5 ‘tulak’ timbog sa buy-bust

NUEVA ECIJA , Philippines — Limang mga dayo na tulak umano ng droga ang naaresto ng pulisya makaraang mabentahan umano nila ng ipinagbabawal na gamot ang isang pulis poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Felipe Bata, bayan ng Aliaga, noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marieta Balmeo, 38, dalaga; Romarlyn Aquino, 27; Antoniña Caguntas, 24, dalaga; Randy Sebastian, 41, at Mark Anthony Tomas, 34.
Ayon sa Aliaga Police, isang impormasyon ang kanilang natanggap sa isang concerned citizen na nasa iisang lugar ang mga suspek na kilala umanong pusher sa lugar.
Kaya bandang ala-1:30 ng hapon, nagsagawa ng surpresang buy-bust operation ang mga tauhan ng Intel at Drug Enfocement Unit (DEU) ng Aliaga Police sa nabanggit na lugar at nakabili ng isang plastic sachet ng hinihinilang shabu sa magkakasabwat na suspek gamit ang isang P500 marked money.
Sa isinagawang body search sa limang suspek, nakakuha pa ang pulisya ng 10-plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Lumalabas na sina Balmeo at Caguntas ay kabilang umano sa unified watchlist ng pulisya sa buong lalawigan habang sina Aquino, Sebastian at Tomas ay may mga dating drug cases na nakasampa sa korte.
- Latest



















