^

Probinsiya

Matador pinugutan, lamanloob kinain

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Matador pinugutan, lamanloob kinain

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Dina­kip ng pulisya ang isang 25-anyos na matadero na umano’y kumatay at pumugot sa kanyang kabaro dahil sa pi­na­niniwalaang masamang impluwensiya ng “Momo Challenge” sa Sitio Pagturao, Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province kamakalawa.

Sa report, natunton ng pulisya sa isang follow-up operation si Kevin Changat, 25, dahil sa mga patak ng dugo patungo sa kinalalagyan nitong barong-barong dakong alas-9:00 ng umaga.

Puno ng dugo ang mga kamay at paa ni Changat nang datnan ng mga pulis.

Sa imbestigasyon, nadiskubre sa kalsada ang pinugutang bangkay ng kapwa niya matador na si Wilfred Aquino, 31, dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon sa report, wakwak din ang dibdib ni Aquino at dinukot pa ang mga lamang loob nito na sinasabing tinikman ni Changat.

Ayon sa saksing si Larry Chugwawi, 35, ubos na ang kanilang pulutan nang iniwan niya ang biktima at suspek na naglalaklakan sa slaughter house na pinapasukan ng dalawa dakong alas-11:00 ng gabi.

Patuloy ang isinasagawang imbestigas­yon ng pulisya sa suspek na hindi pa makausap nang matino matapos madakip.

vuukle comment

MATADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with