^

Probinsiya

Gun-for-hire utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Gun-for-hire utas sa shootout

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang pinaghihinalaang notor­yus na miyembro ng gun-for-hire gang matapos na umano’y manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa Lian, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ang napas­lang na suspek na si Jerwin Ocampo, umano’y  miyembro ng Gonzalez gun-for-hire gang na aktibong nag-o-operate sa lalawigan at mga karatig lugar.

Sa ulat na tinanggap ni PNP-Criminal Investigation and Detection (PNP-CIDG) Director P/Chief Supt. Amador Corpus, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng CIDG Batangas, Lian Police at Batangas Maritime Group laban sa suspek sa Brgy. Balibago ng bayang ito.

Sa imbestigasyon, isinilbi ng mga awtoridad ang search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban kay de Ocampo.

Gayunman, sa halip na sumuko ay nagpa­putok ng baril ang suspek sa arresting team na nauwi sa shootout. Ilang saglit pa ay duguang bumulagta ang suspek na bagama’t naisugod pa sa Metro Balayan Medical Center Hospital ay idineklarang dead-on-arrival.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang isang cal. 38 revol­ver. 

vuukle comment

GUN-FOR-HIRE GANG

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with