^

Probinsiya

Pugante nanlaban, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang takas na bilanggo ang napatay ng mga otoridad nang sa halip na sumuko ay nanlaban ito makaraang masakote ng mga pulis sa isinagawang man hunt operation sa Brgy. Dabiak, Katipunan, Zamboanga del Norte, kamakalawa. Kinilala ang napatay na pugante na si Roger Gumial, 32, may kasong murder na tumakas sa Zamboanga del Norte Reformatory Facility noong Enero 7, 2019.

 

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang matunton ng arresting team ng pulisya ang pinagtataguan ng pugante sa bahay ng biyenan nito sa naturang lugar.

Gayunman sa kabila ng napapalibutan na ng mga ope­ratiba ang bahay na pinagtataguan ni Gumial ay tumanggi itong sumurender at akmang tatanggalan ng pin ang hawak na granada na plano nitong ibato sa mga pulis.

Sa puntong ito, hindi nag-aksaya ng pagkakataon ang arresting team na agad nagpaputok ng baril na sumapul sa nasabing takas na preso.

vuukle comment

PATAY

PUGANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with