^

Probinsiya

2 motor vs van: Rider, angkas dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider at kanyang angkas matapos silang mabangga ng kasalubong na van at isa pang sumusunod na motorsiklo sa kahabaan ng Rolando Andaya Highway sa Brgy. Panaytayan sa bayan ng Ragay, Camarines Sur noong Sabado ng umaga. Isinugod sa Ragay District Hospital pero kapwa idineklarang patay ang rider na si Bernardo Esta, 44, at angkas na si Jhon Paul Esta, 26, pawang ng Brgy.Taisan, Bula. Sugatan din ang dalawa pang rider at angkas ng isang motorsiklo na sina Justin Delos Reyes,19 anyos, at Wilson Almediere, 23-anyos.

Dakong alas-8 ng umaga habang magkasunod na binabaybay ng motorsiklo (DA-57053) ni Esta at motorsiklo (7221-PA) ni Delos Reyes ang kahabaan ng highway nang biglang okupahin ang kanilang linya at mabangga ng kasalubong na wing van (JEN-126) na minamaneho ni Retchie Ganado, 41, ng Brgy. Gulod, Cabuyao, Laguna. Sa lakas nang pagkakabangga, nakaladkad pa ang dalawang motosiklo ng van ng ilang metro sa highway. Arestado naman ng mga rumespondeng pulis ang driver ng van.

vuukle comment

MABANGGA

MOTORSIKLO

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with