^

Probinsiya

2 most wanted arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Swak sa kulungan ang dalawa sa itinuturing na Most Wanted Person sa lungsod makaraang madakip sa isang bahay sa Osmena St., Barangay 1, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt. Vicente Cabatingan, nakilala ang mga nadakip na sina Riza Jean Leonen, 30, dalaga at residente ng Barangay Market View at No. 9 MWP dito at James Patrick Buzar, 37 ng Barangay Ibabang Dupay at pangwalo sa most wanted.

Ayon kay Cabatingan, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa mga residente na nagtatago sa isang bahay sa Barangay 1 ang mga wanted kung kaya’t inatasan niya ang kanyang mga tauhan sa pamumuno nina P/C Insp. Ruben Ballera at Jayvee Tiongco na isilbi ang nakabinbing warrant of arrest sa kanila na inisyu noon pang September 2014 sa kasong carnapping at serious illegal detention.

Hindi na nakapalag ang mga wanted nang maaresto.  Wala namang inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.  Batay sa record ng pulisya, kinidnap ng mga suspek ang isang alias “Celia” noong July 2014 saka ikinulong ng may ilang araw.

vuukle comment

MOST WANTED PERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with