^

Probinsiya

Mag-asawa nilamon ng apoy

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa nilamon ng apoy
Patay ang mag-asawang public school teacher at Army reservist makaraang ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Barangay Namnama, Koronadal City, South Cotabato noong Sabado ng gabi.
File

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Patay ang mag-asawang public school teacher at Army reservist makaraang ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Barangay Namnama, Koronadal City, South Cotabato noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Concepcion Mateo, 59; at Romeo Mateo, 57, mga nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa pamangking si Marlon John Aquino, malaki na ang apoy sa bahay kaya walang nagawa ang mga kapitbahay para maisalba ang mag-asawa.

Nakapagpalala pa sa apoy ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) at motorsiklo na sumabog sa loob ng bahay.

Sinabi ni Aquino na bago sila naghiwalay ng tiyahin na si Concepcion, pinaalalaha­nan pa niya ito sa naka-charge na cellphone. 

Gayunman, hindi pa makumpirma ng Bureau of Fire Protection kung ang nag-short circuit na linya ng kur­yente sa napaba­yaang gadget na nakasaksak sa electric outlet ang pinagmulan ng sunog. 

Naapula naman ang apoy makalipas ang isang oras kung saan hindi pa batid ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.

vuukle comment

APOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with