^

Probinsiya

2 most wanted, timbog

Mer Layson at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang most wanted ang nadakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa San Mateo, Rizal at sa Ipil, Zamboanga  Sibugay.

Sa San Mateo, natiklo  ang   itinuturing na pangpito sa itinuturing na most wanted person  sa bayan kamakalawa.

Sa ulat ni Police Supt. Resty Damaso, hepe ng San Mateo Municipal Police Station, nabatid na dakong alas- 3:47 ng hapon kamakalawa nang madakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa pangu­nguna ni PO3 Angelito Andan, ang suspek na si Darwin Virtuzio,  residente ng Brgy. Ampid 2, sa San Mateo, sa naturang lugar.

Armado ng warrant of arrest, na inisyu ni Presiding Judge Josephine Zarate-Fernandez ng Regional Trial Court Branch 76, 4th Judicial Region, San Mateo, Rizal, nagsagawa ng Manhunt Charlie ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip kay Virtuzio.

Nabatid na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Illegal Possession of Dangerous Drugs matapos na unang maaresto noong Agosto 31, 2016 sa San Mateo nang makumpiskahan ng dalawang plastic sachet na naglalaman ng 0.51 gramo ng shabu.

Nagtakda ng P200,000 piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni Virtuzio. 

Samantala, sa Ipil, Zambonga Sibugay nadakip din matapos ang mahabang panahong pagtatago ang number 1 most wanted na criminal  sa isinagawang o­perasyon sa isang hotel sa Brgy. Tirso Babiera kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Odih Wahab, residente ng Upper Pangi, Ipil ng lalawigan ito.

Si Wahab ay miyembro ng isang grupong kriminal na sangkot sa mga pagpatay at nakawan na pinamumunuan ni Barahama Ali na nag-ooperate sa lalawigan at iba pang lugar sa Zamboanga Peninsula .

Sinabi  ni Supt. Rogelio Alabata, Spokesman  ng Police Regional Office (PRO) 9, nasakote ang suspek sa loob ng Diane Hotel sa Brgy. Tirso Babiera, Ipil bandang ala-1:15 ng hapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with