^

Probinsiya

2 bata na-suffocate sa kotse, dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang bata ang iniulat na namatay matapos itong ma-trap sa loob ng kotse sa isang subdivision sa Barangay Santa Cruz, Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Pinaniniwalaang na-suffocate sa loob ng sasakyan ang mga biktimang sina Aljo Hanny Malaco, 4; at Renz Alcoriza, 4, mga nakatira sa Sitio Sta. Cruz sa nasabing barangay.

Bandang alas-3 na ng hapon nang matagpuan ng mga magulang ang mga bata sa loob ng Mitsubishi Lancer (UJC 118) na nakaparada sa loob ng Cavaliers Subdivision sa nabanggit na barangay.

Natunton ang mga bata makaraang may makapagsabi na maaga pa lamang ay namataan ang dalawa sa loob ng sasakyan habang naglalaro at bumubusina pa.

Ayon kay P/Supt. Lucilo Laguna, hepe ang Antipolo City PNP posibleng na-trap ang mga bata sa loob ng kotse habang naglalaro at namatay dahil sa supokasyon.

Gayon pa man, hindi iniaalis ng pulisya ang posibilidad na may foul play sa insidente matapos na lumitaw sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) na may bukol sa ulo si Aljo habang si Renz naman ay may pasa at sugat sa katawan.

vuukle comment

ALJO HANNY MALACO

ANG

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SANTA CRUZ

CAVALIERS SUBDIVISION

LUCILO LAGUNA

MGA

MITSUBISHI LANCER

RENZ ALCORIZA

SCENE OF THE CRIME OPE

SITIO STA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with