^

Probinsiya

Boarding house ni-raid ng akyat-bahay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nilimas ng mga akyat-bahay na namamasko ang mga alahas, gadgets at pera ng walong estudyante kabilang ang isang nakitulog lamang sa kanilang boarding house sa Barangay Andres Bonifacio, bayan ng Diffun, Quirino kamakalawa. ?

Laking gulat ni Jeyrose Talupa 21 nang buma­ ngon siya para dumalo sa simbang gabi nang ma­diskubreng nilimas na ng kawatan ang mga mahahalaga nilang gamit sa boarding house na pag-aari ni Nathaniel Guillermo.?

Kabilang sa mga nilimas ng mga kawatan ay mga laptop computers,  cellphone, tablets at mga panindang pabango ng isa sa kanila.?

Bago naganap ang panloloob ay pinaniniwalaang may ipinalanghap ang grupo ng kalalakihang nag caroling habang naaliw ang mga biktima sa pakikinig sa kanilang malamig na boses.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nilagari ng mga suspek ang iron grills ng bintana ng boarding house kung saan sila dumaan at nagpistang hakutin ang mga gamit ng biktimang nakatulog ng mahimbing na may ngiti pa sa labi.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY ANDRES

BONIFACIO

DIFFUN

JEYROSE TALUPA

KABILANG

LUMALABAS

MGA

NATHANIEL GUILLERMO

NILIMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with