^

Probinsiya

Andoy Remulla pambato sa mayoralty race

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Nakatakdang maghain ng certificate of candidacy (COC) sa itinakdang araw ang pambato ng Liberal Party (LP) sa mayoralty race si Rolando “Andoy” Remulla ng Bacoor City, Cavite sa gaganaping May 2016 national elections.

Si Remulla na kasalukuyang Provincial Board Member ng 2nd District sa Sangguniang Panlalawigan ng Cavite at negosyante sa nasabing lungsod ay desididong sumabak sa pagka-alkalde ng Bacoor City kung saan makakalaban nito ang dalawang babaeng mayoralty aspirants na ang isa ay kasalukuyang kongresista.

Nagdesisyon si Andoy na kumandidato dahil sa kahilingan na rin ng libu-libong residente, ilang opisyal ng lokal na pamahalaan at kapwa negosyante sa nasabing lungsod kung saan sinuportahan na rin ng kalabang partido-politiko.

“Malakas ang karisma ni Andoy sa mga botante kahit na kalabang partido ay sumuporta sa kanyang kandidatura dahil sa walang bahid ng anumang corruption sa loob ng walong taong panunungkulan sa lokal na pamahalaan,” pahayag ng ilang kalabang partido na tumangging ipabanggit ang pangalan.

Nailatag na rin ang plataporma ni BM Andoy Remula kasama na ang kanyang vice mayoralty aspirant at mga kandidato sa pagka-councilor.

vuukle comment

ANDOY

ANDOY REMULA

ANG

BACOOR CITY

CAVITE

LIBERAL PARTY

MALAKAS

NAGDESISYON

PROVINCIAL BOARD MEMBER

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SI REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with