^

Probinsiya

18-anyos dalaga ni-rape, sinunog ng mga adik

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

North Cotabato, Philippines – Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 18-anyos na da­laga sa kamay ng mga lalaki na umano’y lango sa droga makaraang gahasain, pagtatagain at sunugin sa hangganan ng bayan ng Buluan at Datu Paglas sa lalawigan ng Maguindanao, base sa ulat kahapon.

Kinilala ni Buluan, Maguindanao chief of police Sr. Insp. Victorino Panchoy, ang biktima na si Bainor Solaiman, 18, 4th year high school student ng Mahad National High School at residente ng Datu Paglas, Maguindanao.

Ayon sa report, papauwi na sana ang biktima sa kanyang tahanan galing sa paaralan nang harangin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa hangganan ng bayan ng Buluan at Datu Paglas.

Dinala ang dalaga sa isang bakanteng kubo at pinagtulungang gahasain.

Pagkatapos umanong abusuhin ang biktima ng mga suspek ay saka naman siya pinagtataga at sinunog pa sa loob ng kubo upang maitago sa pulisya ang krimen.

Agad na ipinag-utos ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu sa pulisya na tutukan ang malagim na sinapit ng dalaga at mahuli agad ang mga suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAINOR SOLAIMAN

BULUAN

COTABATO (NORTH)

DATU PAGLAS

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOVERNOR ESMAEL

MAHAD NATIONAL HIGH SCHOOL

SOCCSKSARGEN

SR. INSP

VICTORINO PANCHOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with