Mag-ama, 4 pa tiklo sa buy-bust
QUEZON, Philippines – Arestado ang anim-katao kabilang ang mag-ama sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Sitio Maloles, Barangay Sta. Catalina Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 ang mag-ama na sina Rosauro Javier, 61; Romer Javier, at ang iba pang suspek na sina Alfie Silva, 28; Ramoncito Tayos, 22; Ranilo Macatangay, 53; at si Dindo Balbaera, 33. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr. hepe ng Candelaria PNP, unang nasakote ang mag-ama habang ang iba pa ay naaktuhan sa pot session bandang alas-7:30 ng gabi. Nasamsam sa mga suspek ang 11-gramo ng shabu na may street value P121,000 at mga drug paraphernalia.
- Latest