^

Probinsiya

Mister inaway ni misis, nagbigti

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 31-anyos na mister na nakipagtalo muna sa kanyang misis na nasa abroad matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Brgy. Andres Bonifacio, bayan ng Diffun, Quirino kamakalawa. ?

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Walter Pasicolan, hepe ng Diffun PNP; huling namataang buhay ang biktimang si Amadeo Aquino Jr. na nakikipagtalo sa kanyang misis sa pamamagitan ng pakikipag-chat sa cellphone habang umiinom ng alak dakong alas-7 ng gabi.

Ayon sa anak ng biktima, nagising siya dakong alas-9 ng gabi kung saan nakitang nakabitin na sa kisame ang ama.?

Sa pag-aakalang isa lamang masamang panaginip ang nakitang tanawin ay ipinagpasya ng bata na ituloy ang pagtulog.?

Dakong alas-6 na nang umaga nabatid ng bata na isa nang katotohanan na patay na talaga ang kanyang ama nang muli itong makitang nakabitin at lawit pa ang dila.?

vuukle comment

AMADEO AQUINO JR.

ANDRES BONIFACIO

ANG

AYON

BRGY

CHIEF INSP

DAKONG

DIFFUN

KUSANG

QUIRINO

WALTER PASICOLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with