^

Probinsiya

Sadistang ama utas sa 16-anyos anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa sukdulan ang pagtitimpi ng 16-anyos na anak matapos nitong barilin at mapatay ang sadistang ama sa Barangay Agutayan, bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng shotgun sa katawan partikular na sa batok ang biktimang si Roland Relien “Lando” Deserdo, 45, rubber tapper sa pribadong kompanya.

Samantala, ang estud­yanteng suspek na itinago sa pangalang Aldo ay  wala ni bakas ng pagsisisi nang sumuko sa mga operatiba ng pulisya ilang oras matapos ang krimen.

Sa pahayag ni P/Ins­pector Dahlan Samuddin, spokesman ng regional PNP office 9, naganap ang krimen sa bahay ng pamilya Deserdo sa Purok 4 bandang alas-7 ng gabi.

Ayon kay Samuddin, bandang alas-9 ng umaga kamakalawa nang umuwi ang biktima mula sa Zamboanga City  na mainit ang ulo at agad  na pinasalubu­ngan ng pambubugbog ang anak na walang anumang dahilan.

Nabatid pa na sa tuwing mainit ang ulo ng matandang Deserdo ay palagi nitong napagbubuntunan ang anak na si Aldo na palaging binubugbog lalo na kapag nakakagawa ng munting pagkakamali.

Pinagbantaan ng suspek ang biktima na papatayin kaya napilitan ang binatilyo na umalis ng kanilang bahay at nang umuwi ito para maghapunan ay muli itong ginulpe ng ama.

Sinasabing nagdilim ang isip ng suspek kung saan inagaw ang shotgun na inihahataw ng kaniyang ama saka ipinutok ito sa biktima.

vuukle comment

ALDO

AYON

BARANGAY AGUTAYAN

BUUG

DAHLAN SAMUDDIN

DESERDO

ROLAND RELIEN

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with