^

Probinsiya

Sintunadong kumanta, pinagtataga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 52-anyos na magsasaka na sinasabing sintunadong kumanta matapos itong pagtatagain ng kanyang kainuman na nairita sa pagkanta sa videoke bar sa Barangay Tungel, Baggao, Cagayan kamakalawa.

Kasalukuyang ginagamot sa Baggao District Hospital ang biktimang si Timoteo Antonio Cation habang arestado naman ang suspek na si Jose Espiritu, 32, furniture maker at tubong Naga City, Camarines Norte.

Ayon kay SPO4 Zosimo Sambrano, nagalit ang suspek sa biktima dahil sa sintunadong kumanta ito habang nakikipag-inuman sa videoke bar.

Kaagad na umuwi at pagbalik ay sinamurai ang biktima sa panga at ulo kung saan kaagad namang naawat ng iba pang manginginom ang nagwawalang suspek.

vuukle comment

AYON

BAGGAO

BAGGAO DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY TUNGEL

CAMARINES NORTE

JOSE ESPIRITU

KAAGAD

NAGA CITY

TIMOTEO ANTONIO CATION

ZOSIMO SAMBRANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with