^

Probinsiya

Tindero pinugutan ng kabaro

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang nagkapikunan sa inuman kaya pinugutan ang isang  tindero ng kanyang kabarong tindero sa Barangay Sibul, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng biktimang si Mariano Delos Santos ng Barangay Ka­lawakan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Joel Pablo, 39, ng Barangay Sibul sa nasabing bayan. Ayon kay PO2 Merwin Mendez, nakikipag-inuman ang biktima at dalawa nitong kaibigang sina Jerry Bermudez at Joseph Pangilinan sa bahay ng biktima nang makisalo sa inuman ang suspek. Nang malango sina Bermudez at Pangilinan ay nagpaalam na ito kung saan naiwang nag-iinuman ang biktima at suspek. Sinasabing nagkapikunan ang dalawa kaya pinugutan ng suspek ang biktimang lango na rin sa alak.

vuukle comment

BARANGAY KA

BARANGAY SIBUL

BULACAN

JERRY BERMUDEZ

JOEL PABLO

JOSEPH PANGILINAN

MARIANO DELOS SANTOS

MERWIN MENDEZ

REMEDIOS TRINIDAD

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with