^

Probinsiya

Mag-asawang trader dinedo ng 2 akyat-bahay

Francis Elevado at Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang trader matapos pagtulu­ngang saksakin at barilin ay pinagnakawan pa ng dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Purok 1, Barangay Osmeña sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Victor Abarca, hepe ng Jose Panganiban PNP, ang mga biktima na sina Leo­nardo de Vera, 64; at Merlita de Vera, 60, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, si Leo­nardo na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dalawang tama ng bala ng baril ay natagpuan sa sala ng kanilang bahay habang si Merlita naman na nagtamo ng tama ng saksak sa katawan ang natagpuan sa kanilang kuwarto.

Nabatid na bandang alas-11:30 ng gabi, sunud-sunod na putok ng baril mula sa bahay ng mga biktima ang narinig ng kapitbahay na si Rommel Madi at nang usisain nito ay na­mataan ang dalawang di-kilalang lalaki na nagla­lakad sa ibabaw ng bubong ng bahay ng mag-asawang matanda.

Kaagad na ipinaabot sa pulisya ang naganap na krimen kung saan nadiskubreng nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay ng mag-asawa.  

Sinisilip ng mga im­bestigador ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa pagwi-withdraw ng ma­laking halaga sa banko si Leonardo na posibleng natiktikan ng mga magnanakaw.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY OSME

CAMARINES NORTE

CHIEF INSP

JOSE PANGANIBAN

MERLITA

ROMMEL MADI

SHY

VICTOR ABARCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with