^

Probinsiya

Ambush: Mag-asawa tumba, 2 anak grabe

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang mag-asawang Tsinoy habang nasa malubhang kalagayan ang dalawang anak matapos na pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa kahabaan ng Don Mariano Ext. Road sa bayan ng Rodriguez Rizal, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Ro­bert Baesa, hepe ng Rodriguez PNP ang mag-asawang napatay na sina Nelson Go, 56; at Ruby Go, 52, habang kritikal na naisugod sa Marikina Valley Hospital ang dalawang anak na sina Stephen Go, 13; at Robin Go, 21, pawang nakatira sa Metro Hills Subdivision sa nasabing bayan.

Sa ulat ni SPO1 Jerry Cordero, pauwi na ang pamiya Go lulan ng Tamaraw FX (NFN-248) mula sa Maynila nang harangin ng mga armadong kalalakihan pagsapit sa kurbadang Don Mariano Extension Road.

Huminto naman ang mga biktima sa pag-aakalang walang magaganap na masama subalit sunud-sunod na umalingawngaw ang putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang pamilya Go.

Narekober sa crime scene ang iba’t-ibang uri ng basyo ng bala ng baril habang patuloy ang im­bestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

DON MARIANO EXT

DON MARIANO EXTENSION ROAD

JERRY CORDERO

MARIKINA VALLEY HOSPITAL

METRO HILLS SUBDIVISION

NELSON GO

ROBIN GO

RODRIGUEZ RIZAL

RUBY GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with